top of page
Writer's pictureMaarteng Binibini

#4 A Conversation With My 15-Year-Old Self

Updated: Mar 23, 2021


Art by Amanda Oleander

Just like how I see it in the movies and read in some books, I've also imagined myself in a scenario talking with my younger self.


My life in 21st year just welcomed me eight days ago. For past few weeks, I've been experiencing unforgettable life encounters. I'd like to share them with my 15-year-old self, the one who's still adjusting to her new environment, so I imagined how our conversation would be if I were put in this situation. Let me also include some moments from years ago.


Conversation in Taglish (Tagalog, English):


No way...


Well, yes way.


Are you... me... how? Nananaginip ba ako?


Hindi ko rin sure, eh. Pero sure ako na may curfew ako at dapat kong ma-i-chika na sa'yo ang mga dapat kong i-chika.


Wow.


Hindi ka ba makapaniwala na ang ganda ng 21-year-old self mo?


Uhm, maganda naman na kasi ako ngayon pero hindi na ba talaga ako tumangkad at, you know, nagka-boobs?


Alam mo, feeling ko ang kailangan pala natin i-contact diyan ay yung 30-year-old self natin. Kaso 9 years pa aabutin. Saka 'wag ka nang choosy. Pangako, masisiyahan ka naman sa mga sasabihin ko sa'yo.


Sige na nga. OMK (Oh My Kabayo). Uhm, so paano ba ang chika mo? About saan? Ang awkward pati kasi hindi ko alam kung manganganupo ako.


Hahaha! Kahit 'wag na. Ikaw rin naman bahala kung anuman yung nafifeel mo. Ako lang naman ito, eh—na ikaw.


Papasok ka na nga sa college 'no?


Alam kong kinakabahan ka pa. Intindi ko naman dahil naninibago ka sa environment mo. Don't worry. You'll be just fine. You may think that you're quite weird at first, but I trust that you'll manage it quickly. You'll soon meet new friends you'll spend your whole college life with.


Oo nga pala. Syempre napagdaanan mo na yung pagdaraanan ko pa. Hmm. Kumusta naman ako sa studies? I decided kasi na hindi muna ako magiging active sa extracurricular activities.


Nako, sinasabi ko sa'yo, may expiration date 'yang iniisip mo. Ganyan din ako nung same age pa tayo, at syempre ako nga ay ikaw, hindi ba?


So, your point po...?


Haha! Your college life will be so much fun. Huwag mo lang lilimitahin ang sarili mo sa apat sa sulok ng masikip na kwarto. Explore the outside, too. College is a training ground for reality's tough battlefields. Basically, hindi mo rin maiiwasan na mag-engage sa other activities. Anma—wow, ang weird nga na kausapin sarili mo—pero you're dedicated and talented. I know you love exploring, too.


Grabe, mas naging madaldal pala ako at that age. In fairness, gumanda pa ako lalo. Ano po pala gusto niyong sabihin sa akin?


Gusto ko lang sabihin sa'yo how I'm very proud of you now and how you will grow in the next years. Kung hindi pa mataas ang paniniwala mo sa kakayahan mo, alalahanin mo lang na sobra ang paniniwala ko sa'yo. I'm excited for you kapag dumating ka na sa first door of opportunity to increase your self-confidence. Though it will take many doors to open, but it's still worth the wait. Ang payo ko lang sa'yo ay huwag kang mawawalan ng pag-asa. Huwag kang mawawalan ng paniniwala.


Here, listen.


I remember feeling lost. I remember feeling lonely. I remember having many self-doubts. I remember feeling sorry for myself. Pero, Anma, again, naniniwala ako sa'yo. Sabi ko sa'yo kanina, you are a dedicated person. You're actually a great warrior and believe me na you will overcome everything that you think ay burden sa'yo.


You'll be a person who'll pursue her passion and will highly value the word 'commitment'. You are a bright young lady. Many will also treasure you as their friend. Magugulat ka na lang na kakilala mo na pati yung iba pang staff sa school mo.


Eh? Totoo?


Yes! You'll also become a leader to many.


Ha? Paano? OMK, I'm not good at leading. Alam mo naman 'yun, diba? Sobrang failure ko sa part of leading.


I know. At first parang no choice, but then you'll realize na you have a heart pala in leading. God has better plans for you in the coming years of your college life. God will put you in such situations to challenge your limits. Just trust in Him. I tell you, many will recognize your leadership skills but always be reminded to stay humble.


Hmmm, opo. Tatandaan ko 'yan, hehe.


Hindi rin maiiwasan ang mga pagsubok. Susubukin din ang katatagan mo bilang isang estudyante, student artist, at student leader sa school. At syempre, bilang anak. Pero ang lahat ng ito'y malalagpasan mo. Hindi ka pati nag-iisa. Ginagabayan ka ng Panginoon saan ka man naroon. Siya nga pala, isa sa magiging paborito mong puntahan ay ang Capilla. Magandang umupo sa may harapan, sa kaliwa mo kapag papasok, dahil matatanaw mo rin ang kalangitan at ang mga puno. Dama mo rin ang haplos ng hangin. Dito, pwede kang umiyak kung iyong kakailanganin.


Hmmm, bakit ako maiiyak? I mean, anu-anong mga haharapin kong pagsubok? Pwede ko bang ma-ask?


Sige lang. Pagkatapos naman nito, wari ko'y ifi-filter naman yung mga detalye na sasabihin ko ngayon.


Ha? May ganon?


Oo. Kaya ito na nga, ses. Makinig ka na lang muna sa akin. Masusubok ka sa iyong paniniwala sa sarili bilang isang lider. Kailangan mo lang magtiwala sa pagtitiwala sa'yo ng mga makasasama mo. Susubukin din ang iyong pagbabalanse ng oras at pagme-maintain ng iyong grades. Madadagdagan din ang insecurities mo bilang student artist.


OMK, parang--


Diba ang sabi ko sa'yo na naniniwala akong kakayanin mo? Bakit ko nasabi? Kasi ako ay ikaw.


Mmhhm.


Curious ako... NBSB ka pa rin ba?


Hehe.


Ay. So wala pa ring nagagandahan sa akin? Kasi weird nga ako? Dugyot?


Ito naman. Hindi ako pinatapos! Are kasi (Ito kasi). Sa college life mo, you'll get to meet three persons who'll leave lessons like imprints to your life. First, siya ang first love mo—and your greatest heartbreak. I say it is the greatest because it comes from your first. Kapag first time kasi, you'll get to experience the kind of heartbreak you've never experienced before kahit sa crush mo pa rin ngayon. Si Ch---


OMK! Wala namang name drop! Sige ka, ipapa-name drop ko 'yang tatlo.


Ano ba 'yan. Bakit talo ako ng younger self ko? Hays!


So, anong mga program nila?


Wala 'yan sa kontrata natin! Actually wala talaga tayo nun, pero mawawalan ka ng thrill. Basta lahat sila may one common quality. Bahala ka na lang na humula!


KJ naman! Oh, eh, yung pangalawa?


Bago 'yan. May I remind that this first guy is a good friend. You'll get to feel and learn a unique kind of love. Please treasure the feeling and growth you'll receive after.


For the second guy, technically, magiging manliligaw mo siya.


Wooow! Grabe, may nagkagusto sa akin? Teka, nagustuhan din ba ako nung first?


Hmm... so-so? Hehe. Basta, the two of you will be a great help to each other's threshold of self-acceptance. Ay chika ko pala: makasasayaw mo siya sa 18 roses mo.


OMK!!! Excited na ako! Parang Wattpad lang!


Si second guy naman, hindi mo aasahan na darating. Medyo mabilis ang pangyayari kung paano siya aamin sa'yo, pero medyo tatagal din ang proseso niyong dalawa.


Ang kaso, hindi pa kasi buo ang desisyon mo sa mga oras na 'yun.


Haaa? Hindi ko ba siya nagustuhan?


Ewan ko rin, eh. Kasi likable naman siya, pero hindi pa rin kayo magkatugma at some point. Mas malaki pa rin ang pagtingin mo sa kaniya bilang iyong kaibigan. Kahit anong pilit mo at sabay sa agos. Mahihirapan ka pang hawakan ang sitwasyon na 'yun dahil galing ka nga sa isang heartbreak. More on you'll get to deal with knowing yourself and your feelings. The what's and how's of your heart—ano ba ang batayan ng puso mo para umibig o mapaibig? Paano mo malalaman na totoo ang nararamdaman mo?


Sa kaniya mo matututunan ang magpakatotoo at labanan ang iyong selfishness.


You'll also get to unleash the side of yours na hindi mo rin gugustuhin makilala. But it's okay. Huwag kang matakot. Pagka't tao ka. Nagiging mahina tayo sa mga bagay-bagay, pero titibay ka rin paglaon.


Salamat po. It must have been hard to you, 'no?


Aw. Shelemet! Ang bait ko talaga dati pa, hays. Charot! To be honest, oo, pero nalagpasan ko rin naman. Saka maganda rin naman yung mga lesson na nakukuha ko at makukuha mo in the future. Ngayon naman din ay kaibigan ko pa rin yung dalawang 'yun. Pareho silang happy!


Waah! Good to know! Hmm, eh, yung third? Grabe, ang dami naman ha.


Bakit... parang natigilan ka? Okay ka lang ba?


Okay naman ako. Pero hindi sobrang okay. The third one's actually fresh. Kakakausap ko lang sa kaniya two nights after kong mag-21. We finally had our awkward situation addressed na. You will initiate the conversation nga pala as soon as you turn 21. Pinili mo na kasi ang mag-move forward after months of going backwards.


Ang deep no'n, ha! Uhm, what happened? Ano siya sa'yo, or vice versa?


I can say he's the most unexpected. He liked me. I liked him. Well, I still do. We were good naman last year but we weren't also on the same page. He's another kind of love you'll feel and another kind of heartbreak you'll suffer. Parang nga greater siya sa greatest heartbreak.


Kinabayo. Parang natatakot na akong kilalanin 'to. Describe mo na! Iiwasan ko na agad!


Don't be. He may be the latest, and hopefully last, heartbreaking lesson, but he's still a wonderful blessing. Kahit na temporary sila, they're still God-sent because He allowed them to be walk into our lives and leave with great lessons that will help us (you and I) grow.


With him, you'll learn how generous you are. You'll know how so much expressive you are sa iyong nararamdaman. So genuine, so pure. Haha! Parang pinapalaki ko naman ulo ko nito, but that's just me looking at myself now na, as a child of God, I have a great value.


We deserve to be loved katulad ng kung paano tayo magpadama ng pag-ibig. So stay lovely and in love. "Lovely" I mean, hindi ko siya tinitignan ngayon sa literal na depinisyon niya... pero, ang ibig ko lang ipaintindi rito ay panatilihin mo ang pagkakaisa ng iyong puso't diwa sa ideya ng pag-ibig... sa pananalita, pakikipagkapwa, at sa gawa. And as for being "in love", it doesn't have to be in the context of romance. Stay in love with your family, friends, fellowmen, yourself, and lalo kay God. Kahit naman ngayon, minamahal ka na—ako, mahal kita. Siya, mahal ka Niya.


Huuuuy, naiiyak na ako. Bakit ka naman ganyan!


Huuuy, 'wag ka ring umiyak at maiiyak din ako!


Sino bang nagpapaiyak sa atin dito, hindi ba't ikaw?


Hays! Pero 'wag mong pigilan kung naiiyak ka. Isa rin sa napagtanto at natanggap ko nito lang na okay maiyak, okay lang malungkot. Ikaw, alam kong may dala-dala ka ngayon. Alam kong pressured ka sa kanila. Alam kong gusto mong tumakbo palayo sa kanila. Alam kong gusto mong maging ikaw pero parang ka pa ring nasa hawla. Alam kong marami kang kinatatakutan. Alam ko ring nagshe-shake na ang foundation of faith mo---


Shh, sige lang. Yayakapin kita hangga't gumaan ang nararamdan mo. Okay lang din na maiyak ako ngayon.


Salamat. Ang sarap sa pakiramdam na may nakaiintindi sa'yo. Ang sarap na may nakauusap ka na alam eksakto ang nararamdaman mo. Grabe, feeling ko ang loser ko.


Shhh, I'm actually surprised na I was feeling this way six years ago. Naalala ko na sinabi ko sa Reled11, during one of our reflective sessions, na "I'm lost." You tend to look down on yourself. You feel sorry kapag nagiging malungkot ka.


Pero tignan mo, andito ako, ang iyong maturing self, para bigyan ng validation lahat ng nararamdaman mo—masaya, malungkot, panghihinayang, at iba pa.


And you'll also meet true friends who'll treasure you. Friends who can be your siblings in faith, service, and passion. Treasure them as well. You will be blessed as you continue to walk forward, not in sight, but by faith.


I'll never forget how God's wonderful Grace worked all throughout my college life—kahit na minsan nakalilimutan ko na ang serbisyo ko bilang anak Niya. And what more ngayon na mas nakikita ko na. Huwag mong kalilimutan na manalangin sa Kaniya, dahil 'yan ang pinakamakapangyarihang weapon na mayroon ka.


Opo. Maraming salamat sa mga paalala mo. Maraming salamat sa mga payo mo. Natutuwa naman ako para sa'yo. Kung proud ka sa akin ngayon, mas proud ako para sa'yo. Sana yung mga natutunan mo recently ay maibahagi mo rin sa iba. Masaya akong makita na masaya ka ngayon sa iyong ginagawa. Excited na akong maging 21 tuloy!


Yes, but take things slowly ha? Kilala kita.


Hehe, oo nga po. I get too excited sa mga bagay-bagay.


Guilty pa rin ako diyan, pero I always remind myself that God's timing is perfect. Ako rin naman, excited ako sa growth mo. Lalo na kapag nag-decide ka na to break through your obstacle mirrors.


Salamat po. Ang bait naman ng self ko at 21, maganda pa... bansot lang, pero sana naman magkaroon ka na ng boyfriend.


Hahaha! Tabil din ng dila natin 'no? Pero hindi ko na 'yan mamadaliin. Pareho pa nating hindi alam kung kailan tayo pagkakaloob ng Panginoon.


Pag-pray ko 'yan!


Pag-pray mo na lang din specifically yung magiging future ginoo natin. Kumustahin mo through prayers, hehe.


Sige, hihi.


Oh, sana naman hindi lang sa romantikong pag-ibig ang naging take-away mo ha? Anyway, matututuhan mo rin lahat kapag dinala ka na Niya diyan. Again, magtiwala ka lang.


I love you, self!


I love you, too! Laban lang po tayo!



Psalm 46:5 (KJV) "God is in the midst of her; she shall not be moved: God shall help her, and that right early."

27 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page