Isang araw ay dumalaw ako sa SG office kasama si twinnie Trisha. May nadatnan kaming ilang officers at isa na roon si Gelo. Nagkaayaan kaming tatlo sa loob ng tahimik na pantry para doon magkwentuhan. Sa aming pag-uusap, si Gelo yung tipo ng tao na makwela, magulo, at loko-loko lalo na kapag nagkukwento. Matatawa ka sadya anuman ang sabihin niya! Tanda ko na biglang naisingit sa usapan namin ang tungkol sa puno, supposedly one of his out of the blue jokes…
[Non-verbatim] “You know what a tree is? It’s very big! Amazing. And you know what? It’s a living thing. It has leaves growing and multiplying. It has the ano—the branches, stems, roots. Amazing! And when it grows taller, it will bear fruits. And then you know what a tree is again? It has nests… and then the birds will live there. It’s amazing, right?”
Para sa kaniya ay biro lang iyon, pero hindi ko rin inaasahang may mapagtatanto ako sa mga oras na ‘yon tungkol sa puno at kung paano ito significant bilang representasyon sa atin at sa buhay natin.
Ang puno ay isa sa mga nagbigay ng makabuluhang kahulugan sa taon kong ito. Sa isang activity session namin sa acting workshop, tanda kong ginamit ng mentor namin ang ideya ng kalbong puno, at inatasan kaming lagyan ito ng mga dahon na naglalaman ng kahit anong mga salitang alam namin na konektado sa “teatro”. Pagkatapos ay tinanong niya kami kung anu-ano ang naging refleksyon namin sa activity at kung bakit “puno”. Dali akong nagtaas ng kamay upang sumagot, “A tree is always being associated to life and growth. Para sa akin, ang naging representasyon ng puno sa amin ngayon ay ang growth namin bilang artista. Sa nagawa naming puno, hindi pa po diyan nagtatapos ang aming growth. Sa pagtagal, madadagdagan at madadagdagan pa ang mga dahon namin na nagtataglay ng aming kaalaman. Mas pipino ang puno. Mas malago.”
Kung babalikan ko ang nasabi ni Gelo, napagtatanto kong hindi lang nalaki ang puno upang magparami ng dahon nito at maging kaaya-aya sa mata ng ilan. Hindi lang pala natatapos doon ang buhay ng magiting na puno. Sa paglaki at paglago nito, nagkakaroon pa ito ng magagandang bunga at ipinamamahagi sa mga nangangailangan; at nagsisilbi itong pamahingaan at tahanan para sa ibang kailangan ng suporta.
Ang dami pala talagang benepisyo ang nabibigay ng puno sa mga tao, maski sa hayop, at sobrang halaga nito higit pa sa alam natin.
Kung ihahalintulad ito sa buhay natin, hindi naman tayo para isarili lang kung anuman ang natututunan natin. Hindi natin maipagkakait sa iba ang mga kahusayan at kaalamang natataglay natin. Ako, bilang artista, nais ko ring magbunga at ipamahagi ang mga nalalaman ko tungkol sa sining sa iba para makatulong sa paglago nila. Nais kong mas maging matibay para makapagbigay ng suporta sa mga taong malalapit sa puso ko, lalo na ang mga nagsusumikap na artista! Kung ako’y isang puno, nanaisin kong maging maugat para mas maayos ang pagsipsip ng sustansya (pagkatuto ng mga bagay-bagay) at mas lumakas ang kapit sa lupa (pero nakaapak pa rin sa lupa). #DeeplyRooted
Ngunit ngayon, alam kong nasa proseso pa ako. Pati ikaw. Dinidiligan pa tayo ng iba’t ibang karanasan. Kung baga’y marami pa ring bigas na sasaingin at kakainin! Sa bawat araw na daraan ay tutubo rin ang mga sanga natin (isa para sa sarili, sa pamilya, sa pananampalataya, sa pangarap, sa pag-ibig, atbp.) at unti-unti ring tutubo ang mga dahon… sa susunod ay magkakaroon na rin ng bunga!
Atin lang tatandaan na maraming mga klase ng puno. Iba ka sa akin. Iba ako sa’yo. Kung kaya’t iba ang mga pangangailangan natin upang lumago at magkaiba rin tayo ng panahon para mas umusbong. Let’s take our time to grow. Darating ang isang araw na kakailanganin na rin nating magtanim ng mga binhi para sa ikagaganda at ikabubuti ng mundong ginagalawan natin.
Padayon, kaibigan!
Growth tip: "Accept both compliments and criticism. It takes both sun and rain for a flower to grow."
Comentarios