top of page
Writer's pictureMaarteng Binibini

#3 [SPECIAL BLOG]: “Kaarawan ni Maarteng Binibini” (Maarteng Binibini’s Birthday)

Updated: May 13, 2020


Maarteng Binibini in Lumad Mindanao Exhibit (September 24, 2019)

Sinimulang isulat ng September 25, 2019, 12:51 AM

Setyembre 24, 1999 – ito ang araw na isinilang si Maarteng Binibini, Biyernes, bago pa sumapit ang haring araw at tumilaok ang mga Arabong manok (5 AM, Kuwait time). Sa panahong ito ay si Joseph Estrada pa ang nakaupo sa pagkapresidente ng Pilipinas. Isa naman sa best selling books ng taong ito ang Harry Potter and The Prisoner of Azkaban, na siyang isa sa mga paborito rin ni Maarteng Binibini. Nasa kasagsagan din ng kasikatan ang kanta ng TLC na Unpretty sa USA.


20 years after, dumayo ng National Museum (Fine Arts at Anthropology divisions) si Maarteng Binibini para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan at bilang panimulang pagtupad din ng kaniyang artistic bucketlist para sa taong ito. Nakatutuwa, nakatataba ng puso, at nakabubuhay ng dugong Filipino! Kaibigan, halina’t tuklasin ang kaniyang isang araw na paglalakbay at eksplorasyon!


 

Hiraya manawari.

Sa apat na taon kong naninirahan sa Pilipinas, ngayon ko lang nagagawang mag-explore sa mga ganitong lugar sa Maynila na nagpapahalaga’t nagpapaalala sa kasaysayan at katauhan ng bansa natin sa kahit anumang porma at aspeto. Pinili kong mapuntahan ang National Museum sa una para mas mapaibig muli sa kultura at sining na mayroon tayo, lalo na sa unang araw ng paglabas ko ng pinto sa adolescence o teenage ko.



The National Museum of Anthropology (Filipino: Pambansang Museo ng Antropolohiya), formerly known as the Museum of the Filipino People (Filipino: Museo ng Lahing Filipino), is a component museum of the National Museum of the Philippines that houses the anthropology and archaeology divisions. It is located in the Agrifina Circle, Rizal Park, Manila adjacent to the National Museum of Fine Arts building. (Source: Wikipedia)

#1 NATIONAL MUSEUM OF ANTHROPOLOGY

Ramdam kong hindi magkandamayaw ang aking puso nang papalapit na kami sa paroroonan! Una naming binisita ang National Museum of Anthropology (kilala rin sa tawag na National Museum of Filipino People o Museo ng Lahing Filipino) na kung saa’y nakita ko ang mga curated ancient artifacts, ang iba’t ibang kultura at tradisyon sa Pilipinas mula noon, ang mga naglalakihang musical instruments na hindi pangkaraniwan (at hindi mo aakalaing mayroon tayo), ang Baybayin, at sobrang dami pang iba!



FAVORITE DISCOVERIES


1. Manunggul Jar

Unang kita ko dito ay namangha na ako, lalo pa sa representasyong ginamit ng mga ninuno natin ukol sa pagtawid sa kabilang buhay. Sa disenyo nito'y makikita ang sinaunang paniniwala nila (sa anito) at kung paano ang bangka, dagat, at paglalayag ay may malaking parte sa araw-araw na pamumuhay.



2. Remains of food found on San Diego


These really caught my attention! I couldn't believe my eyes seeing the remains of food found on San Diego being displayed as well. Hindi maipagkakaila ang existence ng San Diego dahil sa mga ganitong klaseng pruweba. Para sa karagdagang impormasyon ukol dito, tignan na lamang ang larawang nakalakip.


Personally, paborito ko mangsimot ng buto ng manok kaya rin ako natuwang tignan ito.



3. National Living Treasure

Isang eksibisyon ng buhay at gawa ng mga magigiting na manlilikha ng Bayan.


Ang mga ito ay ilan sa mga nakuhanan ko ng retrato sa loob ng eksibisyon. Saludo ako sa mga kwento at dedikasyon nila sa kanilang craft! Isa ang traditional folk arts sa mga ninanais kong matunghayan at mapag-aralan para sa mga susunod na taon ng aking paglalakbay.



4. Tabo o Dabu-dabu


"Tabo is a signaling instrument horizontally suspended in front of mosques. A standard rhythm call people to prayer on Fridays, while a more intricate tempo is played during Ramadan (Otto 1976, 1985)."


Ang instrumentong ito ay nakita ko sa Faith, Tradition and Place: Bangsamoro Art from the National Ethnographic Collection, kung saan ay mabibigyang-pansin agad ng mga nadaang tao dahil sa kalakihan nito't angking kagandahan. Ito yung moment na nilabanan ko ang sarili kong hawakan ito sapagkat mahigpit na pinagbabawal ng museo na humawak ng artifacts.



5. Lumad: Mindanao


Ang salitang "Lumad" ay pinaiksing term ng Katawhang Lumad na ang ibig sabihin sa Ingles ay indigenous people. Sila ang mga kababayan natin na patuloy na nakikibaka para sa karapatan at buhay nila. #StopTheLumadKillings



6. "Hibla ng Lahing Filipino:" The Artistry of Philippine Textiles


I just fell in love once again! Isa sa mga kinahuhumalingan ko ay ang pagsuot ng mga tradisyunal na damit lalo na ang mga hinabi. Sobrang sarap pagmasdan! Ang saya sa pusong makakita ng ganitong klaseng equipment na ginagamit para sa paghabi ng mga kasuotan.



7. Baybayin


Dito'y may nakita akong kasulatan ni Dr. Jose Rizal na nasa panulat na baybayin, ang pre-Hispanic Filipino script na binubuhay at tinatangkilik muli sa kasalukuyan. Sa pag-explore ko dito ay saka ko lang natuklasan ang ibig sabihin sa mga letrang baybayin na nasa logo ng tulad sa National Museum, Cultural Center of the Philippines, National Commission of Culture and the Arts, at iba pa!


Ang "pa" sa logo ng Pambansang Museo ay "pamana". Ang sa Cultural Center of the Philippines ay hango naman sa disenyo ng Katipunan kung kaya't ang tatlong "ka" sa logo nito ay "katotohanan, kagandahan, at kabutihan". Ang "ka" naman sa logo ng National Commission of Culture and the Arts ay nangangahulugang "kadakilaan".




Mahigit dalawang oras ang ginugol namin para makapaglakad sa apat na palapag ng National Museum of Anthropology. Grabe, sobrang laki't ganda! Ngunit mukhang hindi pa namin nalibot at nakita ang lahat-lahat dahil hindi kinaya ng oras.



 
#2 NATIONAL MUSEUM OF FINE ARTS

Sunod naman naming pinuntahan ang National Museum of Fine Arts (o ang Old Legislative Building) na kung saan kilala ito dahil sa historical painting ni Juan Luna na may sukat na 4.22 meters by 7.675 meters. Ito ay ang Spoliarium. Ito rin ang lugar kung saan ginanap ang latest film nina Liza Soberano at Enrique Gil na Alone/Together na isa rin sa mga pelikulang malapit sa aking puso, lalo na ang mensaheng hinatid nito sa mga manonood na alagad ng sining at may malasakit sa Bayan.


FAVORITE DISCOVERIES


1. Spoliarium ni Juan Luna

Ito ang pinakamalaking painting sa buong Pilipinas. Nilikha ito ni Luna noong taong 1884 at ginawang entry para sa Madrid Art Exposition na ginanap ng Mayo sa taong ding yaon. Nakuha niya ang first gold medal makalaunan.


Pagkapasok ko ay hindi ko mawari ang naramdaman ko sa unang kita ko sa obra ni Luna. Tunay nga ang daming nagaganap sa Spoliarium at sari-saring emosyon ang nakikita ko. Napaisip ako sa panahong ginugol ni Luna para sa paglikha nito. Tumaas lalo ang paghanga ko sa pasensya at dedikasyon ng mga artista.


Sa susunod na pagbisita ko dito ay gusto ko muling makita ang kabuuan nito at suriin ang iba't ibang istoryang nakalahad. I was literally looking at the bigger picturebiggest rather.



2. Unfinished Portrait of Florencia "Nena" Singson Gonzales - Belo


Dito ko nakita ang progreso't proseso ng isang batikang pintor! Pataas nang pataas ang respeto ko sa lahat ng manlilikha ng sining. Manipestasyon ang larawang ito ng kahalagahan ng mga detalye sa pagkakabuo ng isang magandang obra.



3. AT IBA PA...



Naniniwala akong may kanya-kanyang artistic outlet ang mga tao para ibahagi ang kanilang mga nararamdaman, karanasan, istorya, at paniniwala. Tulad nina Amorsolo, Luna, Hidalgo, Rizal, at marami pa na may kani-kanilang istorya rin at nagmula sa mga panahong hindi batid ng nakararami ang mga kaganapan noon, lubos na nakatulong ang mga porma ng sining upang maipahayag nila kung anuman ang sa tingin nila'y mahalagang makita ng mga mata.



4. Old Session Hall of the Senate of the Philippines


So much love for this!



5. Abueva's Kaganapan


Upon seeing this sculpture, I suddenly felt fulfillment as well. Bagama't hindi detalyado ang ekspresyon sa mukha, subalit nadama ko ang kasiyahan ng isang binigyan ng pag-asa. Sa totoo lamang ay nahalina ako sa titulong ginamit at maraming konteksto ang mailalapat sa salitang "kaganapan". Ang kaganapan ay hindi lamang ang pagkasilang ng bagong buhay, kundi ang pagiging "ganap" na ina ng isang babae. Para sa akin, ito rin ay nangangahulugang transisyon ng tao o buhay.



6. Quadricula

Kakaiba ang awra na pumapalibot sa koleksyon na 'to. It was too dark and heavy for me. Dahil gahol na kami sa oras, hindi ko na masyadong nai-immerse ang sarili ko sa mas malalalim na mensaheng nais ipabatid ng mga paintings. Sa totoo'y nagustuhan ko ring mas tumagal dito dahil sa kagula-gulantang mga larawang nakita ko sa panahon ng pananakop ng mga Kastilla sa ating bayan at sa ating paniniwala.


Makikita ang eksibisyong ito sa Executive Floor (4th floor).


 

Mayroon pang dalawang division na hindi ko pa napupuntahan — ang Planetarium at Natural History. Inakala ko'y makakaya sa isang araw ang pamamasyal sa lahat ng museo, ngunit hindi pala ganoon kadali isiksik lahat ng impormasyon sa utak. Nawindang ako sa unang beses na pagpunta ko dito! Subalit sobra akong nasiyahan sa mga nakita't nalaman ko. Tama nga naman. Mas napaibig ako sa kultura at sining ng ating bansa, ngunit hindi ko rin maipagkakaila na makaramdam pa rin ng lungkot dahil dama kong kulang pa ang pwersa natin, sa ngayon, upang mapagpayaman at mapahalagaan ang kung anong mayroon tayo.


All in all, para sa aking karanasan, sobrang renewing sa pakiramdam na makabisita sa mga museo lalo na dito. Kaya, mga kaibigan, isama ang pagpunta sa National Museum sa bucketlist niyo!


Hinding-hindi makakapagsisi.



Lubos din akong nagpupugay sa mga bumubuo ng curatorial team ng National Museum. Mabuhay kayo!


Babalik akong muli. Maraming salamat! #MaartengBinibini@20


60 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page