top of page
Writer's pictureMaarteng Binibini

#2 "The Climb: Finding Her Purpose"

Updated: May 13, 2020


“I can almost see it That dream I'm dreaming but There's a voice inside my head saying You'll never reach it, Every step I'm taking, Every move I make feels Lost with no direction My faith is shaking but I Gotta keep trying Gotta keep my head held high

There's always gonna be another mountain I'm always gonna wanna make it move Always gonna be an uphill battle Sometimes I'm gonna have to lose Ain't about how fast I get there Ain't about what's waiting on the other side It's the climb” – The Climb by Miley Cyrus


“Nahihirapan akong makahanap ng trabaho. Mahirap hanapan ang field of interest ko,” sabi ko kay angkol Adrian. Ilang linggo lang naman kaming hindi nagkita pero pansin ko ang pagbabago sa kaniya—sa porma, sa pananalita, at sa reasoning niya—dulot na rin siguro ng bago niyang buhay at trabaho.


“Ayaw mo ba sa office, bunchoy?” tanong niya. Umiling ako. “Hindi, eh. Gusto ko sana yung spontaneous na trabaho,” sagot ko.


[Non-verbatim]Bunchoy, tanda ko sabi sa amin na kapag maghahanap ng first job, isipin lang din namin kung paano kami makatutulong sa sarili namin at sa pamilya namin financially…”


Hindi pa iyan ang mga salitang eksaktong sinabi niya sa akin pero ang tumatak sa akin, at nagpaisip sa akin, ay ang nagiging resolve o purpose ng mga tao kapag naghahanap ng trabaho.


 

Ilang buwan na rin ang nakararaan simula nang magtapos ako sa kolehiyo. Sa bawat araw, aaminin ko ay nakararamdam na ako ng pressure, kahit na hindi naman ako pinipilit ng mga magulang ko, dahil na rin siguro’t hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa iba. Ang iba sa mga ka-batch ko ay may trabaho na, o hindi kaya’y nasa graduate school na.


Ngunit nito lang din ay napagmumuni-muni ko rin na we all have our own timeline of progress. Sinasabi ko rin ito sa ibang mga kaibigan kong parehas din ang nararamdamang pressure. Ang tanging kinakapitan na lang namin ay ang mga comforting lines na:


  • “Bata ka pa. Hindi mo naman kailangang magmadali.”

  • “Mag-enjoy ka muna bago magtrabaho, dahil hindi ka na muli makakapagbakasyon nang ayos kapag working ka na.”

  • “Sabi nga nila, huwag lang basta-basta sa paghahanap ng first job mo. Kaya tama lang, maghintay ka lang sa ipagkakaloob Niyang trabaho sa’yo.”


Isa ring nagpaisip sa akin ay ano nga ba ang purpose ko sa paghahanap ng trabaho? Isa nga naman ang kumita ng pera, pero ito lang ba ang natatanging layunin ko?


Minsan kaya siguro napapaisip at napre-pressure ang ilan sa aming fresh graduates na makapaghanap na ng trabaho, dahil aware na kami sa konsepto ng independence na kaakibat ng “adulting life” at napapa-sway sa kultura natin na “dapat makakita ka na ng pera dahil graduate ka na para makakain ka, makapagpakain ka, makabili ka, makapagpabili ka, at iba pa.”


We traditionally get this initial pressure from the society once we graduate from college.


Dahil na rin siguro rito kaya napapatay ang pinakang-purpose natin bakit tayo magtratrabaho. I have come to realize that, for a dreamer, you don’t just look for a job just to sustain your needs, but to also grow (lumago), help (makatulong), learn and teach others with passion (matuto at magturo sa iba nang buong puso), and serve (magbigay serbisyo)… lalo na’t para sa Bayan.


Kaya ngayon, mas nagiging klaro na sa akin kung ano nga ba ang “objectives” o purpose ko sa paghahanap ng trabaho, at tiyak na hindi lang ito pansariling layunin! Kaya okay rin na sa akin kung choosy ako. Oo, okay lang! Nirerespeto ko rin ang kaniya-kaniyang layunin natin sa buhay at sa pagharap ng ating “adulting life”.


Kaya natin ‘to, mga kaibigan! Laban lang!


"Keep on moving Keep climbing Keep the faith"




Side note: Bukas na bukas, sa kaarawan ko (Setyembre 24), ay bibisita kami sa National Museum of the Philippines! Ilang araw bago ang graduation day ko lang napagtanto na gusto kong magtrabaho sa isang museo at maging art and performance curator, pero alam kong it’s another long, rocky road to take. Kung anuman ang mapagmuni-muni ko bukas ay tiyak na magiging content ng susunod kong post. Maraming salamat! – Maarteng Binibini #GoingTwenteen


9 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page