Pangalan: Maarteng Binibini
Kasarian: Babae
Kaarawan: Setyembre 24, 1999
Lugar ng Kapanganakan: Farwaniya, Kuwait
Wika: Filipino, English
Sodyak (Zodiac Sign): Libra
Motto:
"Laging ngumiti. Hindi mo alam kung gaano nito napapaganda ang araw ng isang tao."
"Always look at the bigger picture and brighter perspective."
Isa pa, mula sa sinabi ni Newt Scamander sa Fantastic Beasts and Where To Find Them na,
"Worrying makes you suffer twice."
Mga Tinatangi ni Maarteng Binibini: Sining (lalo na ang performing arts), pagkain (tsokolate, inihaw na manok, pansit palabok, cake, french fries, sushi, lumpia, atbp.), makalumang tugtugin, morenang kulay, mga museo, mga tala, sunflower, mga ngiti, maiikling istorya, mga libro, mga liham, mabibilog na pisngi ng mga bata, deep talks, maglakbay at makabisita sa mga heritage spots, Philippine's diversity, pagproproseso sa Teatro, at ang aking ginoo.
Mga Hindi Gusto ni Maarteng Binibini: Insekto, gagamba, spoilers, kidlat, 'catcaller', diskriminasyon, taong nasobrahan sa kayabangan, mga mananakop, mga mapagsamantala, mga taong ang tingin sa OFWs ay pasalubong o balik-bayan box, social media toxicity, at marami pa sa listahan.
MGA PABORITO
Kulay: Bughaw, Dilaw, at Kalimbahin
Pagkain: Sushi, isang lutuing Hapones (at napakarami pang iba!)
Mang-aawit: The Carpenters, Frank Sinatra, Bee Gees, ABBA
Pelikula: Ang mga tumatak sa akin ay Harry Potter series, Kimi no Na wa (Your Name), Alone/Together, Goyo: Ang Batang Heneral, Magic Kingdom, Magic Temple [...]
Aktor/Aktres: Walang tatalo kina Lea Salonga, Isay Alvarez, Robert Seña
Libro: Noli Me Tangere at El Filibusterismo
AT IBA PA
Mga Libangan: Makinig ng musika, manood ng mga pelikulang fiksyon, magmuni-muni saka isusulat, matuto ng mga bagay-bagay kapag natipuhan, bumili ng libro lalo na sa Booksale, at magbasa ng mga artikulong makakukuha ng aking interes
Mga Talento: Teatro, pagtitipa ng piyano
Tatlong awit na laging pinakikinggan:
Yesterday Once More (The Carpenters)
Every Breath You Take (The Police)
Say You Love Me (Jessie Ware)
Tatlong salitang pinahahalagahan:
Pag-ibig (Love)
Paninindigan (Commitment)
Pananampalataya (Faith)
Deskripsyon sa sarili:
Emotera, masiyahin, dedicated, palakaibigan, kakaiba(be), dreamer
Ano ang inspirasyon mo?
Inspirasyon ko ang mga taong nakakasalamuha't nakikilala ko — mula sa mga karanasan nila sa buhay hanggang sa kung anong naituro nila sa akin, sadya man o hindi. Inspirasyon ko ang kanilang dedikasyon para maging kung sinong pinapangarap nila at kung anong nais nilang iambag sa lipunan.
Ano ang pangarap mo?
Ang maging arts advocate upang makatulong sa kapwa at sa pagpapayaman ng sining at kultura ng bansa.
Ano ang palagay mo sa kasalukuyang henerasyon?
Hindi ko masisisi, sapagka't sa bawat henerasyon ay laging may hinahanap, pinatutunayan, at pinaglalaban. It's cyclic! Kapag may sagot o solusyon, nanganganak lagi ng panibagong katanungan at problema. Sa panahon ngayon, marami nang naiambag na mga sagot at solusyon. Marami nang naimbento para mas dumali ang pamumuhay. Nasa progreso ang advancement ng lipunan salamat sa karunungan ng mga tao.
Pero hindi ko maiwasang makadama ng... takot. Ito ay takot para sa susunod na henerasyon. Nakatatakot ang mga bagay na "sobra".
FUN FACTS
Si Maarteng Binibini ay Lagunense at Ilokana.
Siya ay labinlimang taong nanirahan sa bansang Kuwait. Doon na rin siya nag-aral mula kindergarten hanggang high school.
Ang kaniyang nickname ay "Anma". Ito ay ipinangalan sa kaniya ng kaniyang kaklase sa high school dahil tatlo silang "Anne" sa klase. Ito ay para hindi na magkalituhan kapag tatawagin ang isa sa kanilang tatlo. Ang dalawa pang tinutukoy ay sina "Anjo" at "Anlu".
Nakahiligan din ni Maarteng Binibini ang paggagantsilyo noong 14-15 na taong gulang siya. Pinag-aralan niya ito upang makagawa ng birthday gifts para sa kaniyang mga kaibigan.
Mahilig siyang bumili ng libro ngunit sa dami ng binili, wala pa sa kalahati ng bilang nito ang kaniyang nababasa.
Naging pangarap niya ang maging taxonomist.
Comments